NoKor, nagbanta sa US sa selebrasyon ng ika-69 founding anniversary ng kanilang bansa

AP / Kyodo News Photo

Nagbabala ang North Korea sa pamamagitan ng local newspaper nito laban sa Estados Unidos na mas lumalakas na ang kanilang military power.

Ayon sa “Rodong Sinmun”, pinakamaimpluwensyang pahayagan ng NoKor, nakatakdang matalo ng bansa ang vassal forces ng US.

Pinapurihan ng pahayagan ang North Korea dahil sa matagumpay na launching nito ng hydrogen bomb ilang linggo lang ang nakalilipas.

Anila, matatawag na ang bansa bilang isang “invincible nuclear power.”

Sa isang hiwalay na komentaryo naman ng pahayagan, binatikos din ng “Rodong Sinmun” ang administrasyong Trump sa pangunguna nito sa pagbibigay ng bagong United Nations sanctions laban sa North Korea.

Anila, habang patuloy ang paggawa ng aksyon ng US laban sa kanilang bansa ay patuloy ding makatatanggap ito ng mga surpresa mula sa North Korea.

Samantala, maigting namang binabantayan ng militar ng South Korea ang NoKor sa posibleng panibagong launching nito ng missile o nuclear test.

AFP Photo

Read more...