Lalaki, pinagsasaksak sa Davao City, patay!

Patay ang isang 21-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng dalawang kalalakihan Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Maverick Abellaneda Onggo, na residente umano ng Purok 2, GK Relocation, Tibungco sa Davao City.

Ayon sa Davao City Police, naglalakad lamang ang biktima ng sugurin ito ng mag suspek at pagsasaksakin.
Agad namang nadakip sa pursuit operations ng mga pulis ang mga suspek na kinilalang sina Sonny Dumael Diomadil at Roy Pajo Revilla, kapwa nagtatrabaho sa lungsod.

Ilang oras matapos ang pagdakip sa dalawang suspek ay inaresto din ang tatlong katao na sinasabing mga kasama ng mga ito.

Narekober sa mga suspek ang dalawang kitchen knife at isang hunting knife at mga marijuana na nakabalot sa dyaryo.

Kasalukuyan pang inaalam ang motibo sa pagpatay habang ang bangkay ng biktima ay dinala na sa Angel Funeral Homes para sa autopsy.

 

 

Read more...