Isang butanding, natagpuang patay sa Cavite

Isang patay na butanding ang natagpuan sa baybayin ng Pandawan Fishport sa Rosario, Cavite.

Base sa ulat ng Philippine Coastguard, si Jessie Boy Estrella, tatlumpung taong gulang na isang mangingisda ang nakakita sa palutang-lutang na butanding sa may Tanza Bay.

Ayon dito, napagdesisyunan niyang dalhin ang butanding sa Pandawan Fishport upang i-turn over ito sa Coast Guard.

Matapos matanggap ang report ay kaagad na nakipag-ugnayan ang Coast Guard sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resouces.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa alam ang dahilan sa pagkamatay nito. Samantala, sa Isla Bonita sa Rosario, Cavite naman inilibing ang butanding.

 

Read more...