Tatlong lalaki, patay sa pamamaril sa Tondo, Manila

Patay ang tatlong lalaking nag-iinuman matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga gunmen sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga biktima na sina Police Officer 2 Ronron Reyes ng Cainta Police, Alan Azuris, at Rodrigo Sevilla na kapwa residente ng Tondo.

Base sa inisyal na impormasyon mula kay Police Senior Inspector Romeo Estabillo ng Manila Police District Station 6, nag-iinuman ang tatlong mga kalalakihan nang pagbabarilin ang mga ito sa ulo.

Hindi pa tiyak ng mga otoridad kung sakay ba ang mga suspek ng motorsiklo o iba pang getaway car.

Kasalukuyan pang inaalam ng kapulisan ang motibo sa pamamaslang sa tatlo.

 

 

Read more...