Pagpayag sa CHR na masilip ang case folders, makabubuti sa PNP – Atty. De Guia

Umaasa pa rin ang Commission on Human Rights na ipasisilip ng Philippine National Police ang case folders nito sa kabila ng hindi pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacquelune De Guia, hinihintay ng ahensya ang tugon ng PNP sa kanilang request letter. Positibo pa rin aniya sila hangga’t walang pormal na kasagutan dito ang pulisya. Sinabi ni De Guia na makikita sa case folders kung tunay na nalaban ang mga suspek na nasawi sa mga operasyon ng pulisya. Dagdag niya, magiging maganda rin para sa PNP ang pagbubukas ng case folders para patunayan na hindi “state-policy” ito. Noong Biyernes, ipinahayag ni Interior and Local Government officer-in-charge Undersecretary Catalino Cuy na hindi pinahintulutan ni Duterte ang PNP na ipakita sa CHR ang case folders nito.

Read more...