Duterte: Trillanes may mga itinatagong bank accounts sa abroad

Inquirer file photo

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na naghahanda na sila ng malakas na bomba laban kay Sen. Antonio Trillanes.

Sa kanyang talumpati sa 26th Anniversary ng Mindanao Business Conference sa Cagayan de Oro City, sinabi ng pangulo na isasapubliko niya sa mga susunod na araw ang mga itinatanggong bank accounts ni Trillanes sa labas ng bansa.

“Akala kasi niya hindi ko rin kaya eh… So I am giving you in a few days the number of deposits he has with Chinese joint accounts,” ayon sa pangulo.

Sinabi ni Duterte na mayroong itinatagong deposito sa bangko ang mambabatas sa Hong Kong, Australia pati na rin sa U.S.

Sa nasabing talumpati ay muli niyang sinabi na duwag at puro lamang bintang ang kayang gawin ni Trillanes laban sa kanyang pamilya.

Inulit rin ni Duterte na handa siyang magbitiw sa pwesto kapag napatunayang tama isa man sa mga naging akusasyon laban sa kanya ng senador.

Read more...