Deklarasyong gawing holiday ang bday ni Marcos hiling ng pamilya ayon kay Duterte

“Bakit ba natin pag-aawayan pa ang kaarawan ni Marcos”?

Yan ang tanong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kumukwestyon kung bakit niya idineklarang holiday sa Ilocos Norte ang ika-100 taong kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin rin ng pangulo na kinausap siya ng pamilya Marcos at kanilang hiniling nag awing holiday sa kanilang lalawigan ang kaarawan ng dating pangulo.

“Una sa lahat hindi ninyo masisisi ang mga Ilocano kung hangaan nila ang dating pangulo dahil kababayan nila iyun….may masama ba dun”, ayon sa pangulo.

Kahit umano ang mga taga-Pampanga kapag humiling ay baka pagbigyan rin niya kapag inihirit nilang gawing pista-opisyal sa lalawigan ang kaarawan ni dating Pangulong Gloria Macapaga-Arroyo.

Sa Lunes ay gagawing pribado ng pamilya Marcos ang paggunita sa kaarawan ng dating pangulo na gaganapin sa Libingan ng mga Bayani.

Read more...