Egyptian billionaire, bibili ng isla para sa mga refugees

 

Naguib Sawiris
Mula sa twitter.com

Balak ni Egyptian billionaire Naguib Sawiris na bumili ng isla sa Italy o Greece para matirhan ng mga refugees na apektado ng giyera sa Middle East at Africa.

Ayon kay Sawiris, sakaling pagbigyan siya ng Italy or Greece, tatawagin niya ang bagong bansa na “hope.”

Dagdag ni Sawiris, maraming isla sa Greece at Italy ang bakante na may kakayahang mag-handle ng isandaang libo hanggang dalawang daang libo katao.

Plano ni Sawiris na gumawa ng temporary shelter para sa mga refugees at gumawa ng maliit na port para makadaong ang mga barkong sinasakyan ng mga refugees.

Bibigyan din ng trabaho ni Sawiris ang mga refugees na gumawa ng sariling bahay, eskwelahan, ospital, at maging hotel.

Dagdag ni Sawiris, malayang makakabalik sa kanilang tahanan ang mga refugees kung nanaisin na ng mga ito.

Si Sawiris ang Chief Executive ng telecom group na Orascom TMT.

 

 

 

 

Read more...