Mayor Duterte, may mahalagang anunsiyo bukas mula sa Davao

Inquirer file photo

May malaking anunsyo umano na na gagawin bukas si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Gaganapin ang announcement ni Duterte sa Davao City.

Gayunman, wala nang ibinigay na iba pang impormasyon ang kampo ni Duterte sa magiging aktibidad bukas.

Isa si Duterte na maugong na tatakbong Pangulo ng bansa sa 2016 Presidential elections.

Batay sa mga naglalabasang ulat, si Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang posibleng maka-tandem ni Duterte.

Gayunman, hanggang sa kasalukuyan, patuloy na iginigiit ni Duterte na hindi siya tatakbo sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon.

Matatandaang noong nakaraang August 28, libu-libong mga taga-suporta ng alkalde ang dumalo sa “Run Duterte Run” sa lungsod.

 

Read more...