Dahil dito, mahigpit nang binabantayan ng Deparment of Labor and Employment ang sitwasyon ng mahigit 80,000 OFWs partikular sa South Korea.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, handa ang pamahalaan sakaling pauwiin ang mga Pinoy at nakahanda ang reintegration program ng kagawaran.
Anya, ang reintegration program ay isang programa kung saan hinihimok ang mga dating OFW na sumubok sa ibang kabuhayan.
Samantala, nakalatag na rin ang contingency plan ng Philippine Embassy sa SoKor para sa mga safe centers na pwedeng puntahan ng mga Pilipino sakaling iutos ang paglikas.
Ang mga paghahandang ito ay bunsod ng huling nuclear test ng North Korea na isang banta sa seguridad ng South Korea kung saan marami ring Pinoy.