Pilipinas, mas ligtas na ngayon pero malayo pa sa pamantayan ng Japan at Singapore

Naniniwala ni Sen. Alan Peter Cayetano na bahagyang naging mas ligtas na ang Pilipinas ngayon sa ilalim ng Duterte administration.

Ito’y sa kabila pa ng sunud-sunod na pagkakapatay sa mga kabataan sa kasagsagan ng drug war ng pamahalaan, tulad ng sinapit nina Kian Loyd delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.

Gayunman, aminado si Cayetano na matagal pa bago maabot ng Pilipinas ang reputasyon ng Japan at Singapore pagdating sa public safety.

Taliwas ito sa sinabi niya noon na unti-unti nang nagiging parang Singapore ang Pilipinas sa larangan ng kaligtasan mula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cayetano, bagaman walang anumang salita ang makakapawi ng dalamhati ng mga pamilya ng mga nasawi, maraming buhay na ang nasira at nabiktima dahil sa iligal na droga noong hindi pa isinasagawa ang drug war.

Giit pa ng kalihim, ang problema ay ang pang-aabuso sa iligal na droga at hindi ang laban kontra droga.

Samantala, tiniyak naman ni Cayetano na susunod ang pamahalaan sa mga international treaties kaugnay ng pagrespeto sa karapatang pantao sa pagsasagawa ng war on drugs.

Aniya pa, sensitibo ang pamahalaan sa buhay ng mga tao at walang kaduda-dudang bawat buhay ay mahalaga rin para sa kanila.

Katwiran niya, kung aalisin ang drug war, mas lalong dadami ang patayan.

Hindi rin aniya nila kinukunsinte ang murder, tawagin man itong extrajudicial killing.

Read more...