Peace talks, nakasalalay sa deklarasyon ng ceasefire ng mga rebelde

Handa na ulit si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines-New People’s Army (CPP-NDFP-NPA), pero may kapalit itong kundisyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, kung nais ng mga rebelde na balikan ang peace talks, kailangan munang magdeklara ng mga ito ng ceasefire o wala talaga silang mapapala.

“There will be no talks until you declare a ceasefire,” giit ng pangulo.

Babala pa ng pangulo, sabihin lang sa kaniya kung gusto lang ng mga ito na magkaroon na naman ng isa pang digmaan.

Matatandaang inihinto ng pangulo ang peace talks sa NDFP dahil sa nagpapatuloy pa rin na mga pag-atake ng mga rebelde laban sa mga pwersa ng gobyerno at sibilyan.

Nasa ika-limang round na sana ang peace talks noong Mayo ngunit kinansela ito ng pangulo, at nanindigang hindi niya ibabalik ito hangga’t hindi tumitigil ang karahasan at pangingikil na ginagawa ng NPA.

Read more...