Kampana sa mga Simbahan patutunugin gabi-gabi bilang pag-alala sa mga nasasawi sa war on drugs

Nais ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na buhayin ang tradisyon ng sabayang pagpapatunog sa kampana ng Simbahan tuwing gabi.

Sa kaniyang pastoral letter, hinikayat ni Tagle ang lahat ng pinuno ng mga parokya na patunugin ang kampana ng Simbahan gabi-gabi sa loob ng limang minute simula sa Huwebes, September 14 na Feast of the Exaltation of the Cross.

Tradisyon na aniya noon pa ang pagpapatunog sa kampana gabi-gabi para ipanalangin ang mga nasawi at panahon na upang ito ay muling buhayin.

“The tolling of church bells in the evening to pray for the dead is an old Filipino custom that has almost disappeared. Now is the right time to revive it,” ayon kay Tagle.

Ayon kay Tagle na araw-araw, kasama sa balita na mayroong namamatay.

Sinabi pa ng cardinal na hindi maaring pamunuan ang bansa sa pamamagitan ng pagpatay.

“With pain and horror we continue to get daily news of killings around the country. We cannot allow the destruction of lives to become normal. We cannot govern the nation by killing. We cannot foster a humane and decent Filipino culture by killing,” dagdag pa Tagle.

Hinikayat din ni Tagle ang mga pumapatay at nananakit na pakinggan ang sinasabi ng kanilang kunsensya at ang boses ng Panginoon.

Si Tagle ay dati na ring naglabas ng pahayag na kumokondena sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

 

 

 

 

 

Read more...