Hindi sinagot ni Uson ang tanong ng media kaugnay sa kanyang ginawang pagsasayaw sa Bar 360 sa loob ng Resorts World Manila.
Bagkus itinuro ni Uson si PCO Secretary Martin Andanar dahil sa kalihim umano niya ibinigay ang kanyang statement.
Samantala, ayon naman kay Andanar, ipinauubaya na niya sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kaso ni Uson.
Sinabi rin ni Andanar na pinayagan nila si Uson nang magpaalam ito sa kanila noong itinalaga ng pangulo na itutuloy pa rin nito ang kontrata ng Mocha Girls gayunman hindi aniya kasama rito ang pagpe-perform sa casino.
[EDIT] LOOK: Asec. Mocha Uson umiwas sa media sa kanyang pagdalo sa budget deliberation ng PCOO para sa 2018 @dzIQ990 pic.twitter.com/u6Cc1PwJjU
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) September 8, 2017