Magnitude 8.2 na lindol tumama sa Mexico

Niyanig ng magnitude 8.2 na lindol ang karagatang sakop ng southern Mexico.

Ang malakas na pagyanig ay nagresulta sa malakas na pag-uga ng mga gusali at panic sa publiko.

Ayon sa US Geological Survey naitala ang epicenter ng lindol sa 165 kilometers (102 miles) west ng Tapachula ng southern Chiapas.

May lalim itong 35 kilometers.

Ayon sa U.S. Tsunami Warning System dahil sa malakas na lindol, may banta ng tsunami sa Central American countries, gaya ng Pacific coastlines na Guatemala, Honduras, Mexico, El Salvador at Costa Rica.

Sa sobrang lakas ng lindol, naramdaman din ito sa Mexico City dahilan para ang mga residente ay maglabasan ng bahay.

 

 

 

 

 

Read more...