Handang magpaaresto huwag lang makadalo sa pagdinig ng senado.
Ito ang posisyon ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon kaugnay sa bantang pag-aresto sa kaniya ng mga tauhan ng Senate Sergeant-At-Arms kung hindi sya sisipot sa pagdinig kaugnay sa smuggling ng P6.4 billion pesos na shabu galing China.
Sa kanyang press conference sa Taytay Rizal, sinabi ni Faeldon na pwedeng-pwede siyang arestuhin, buhatin at iupo sa plenaryo pero.
Gayunman, hinding-hindi umano siya magsasalita doon.
Handa raw siyang humarap sa pagdinig pero sa competent court lamang o kapani-paniwalang korte at hindi sa senado at kamara dahil kawawa raw ang inosenteng taong napupulitika ng mga mambabatas na may ambisyon sa susunod na halalan.
Pagigiit ni Faeldon, pupunta siya sa senado sa Lunes para sumuko pero hindi siya dadalo sa pagdinig.
Matatandaang na cite for contempt si Faeldon ng senate blue ribbon committee makaraang hindi makatugon sa subpoena na ipinadala sa kanya.