Paolo Duterte at Mans Carpio, hindi na dadalo sa shabu shipment hearing; senado walang napala ayon kay Gordon

Kuha ni Ruel Perez

Walang napala ang senado sa naging pagharap nina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio.

Dahil dito sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee chairman, Senator Richard Gordon na ang pagdinig noong Huwebes ang una at huli nang pagharap nina Paolo Duterte at Carpio kaugnay sa shabu shipment at alegasyon ng korapsyon sa Customs.

Sinabi ni Gordon na dahil ipinipilit ni Sen. Antonio Trillanes IV na ipatawag ang mag-bayaw ay ginawa naman ito ng komite.

Gayunman, nakakadismaya na ang tanong ni Trillanes ay sumentro lang sa tattoo ng bise alkalde at bank accounts na wala naman pruweba mula sa AMLC ayon kay Gorodn.

Sinabi ni Gordon na puro ‘publicity’ lang ang habol ni Trillanes.

Matapos ang pagdinig kahapon, wala na aniyang natirang bala kay Trillanes matapos na maging si Mark Taguba ay umamin na rin na hearsay lang ang pagkakabanggit niya kay Duterte at Carpio hinggil sa Davao Group.

 

 

 

 

 

 

Read more...