Pag-aresto kay Faeldon, hindi na tinuloy ng Senado

Inquirer Photo | Niño Jesus Orbeta

Hindi na itinuloy ng Senate Sergeant-At-Arms ang pagsilbi sa warrant of arrest laban kay dating Bureau of Customs (BOC) chief Nicanor Faeldon.

Ayon kay Senate Sergeant-At-Arms Jose V. Balajadia Jr., pinapunta na niya ang kaniyang mga tauhan sa bahay ni Faeldon sa Taytay, Rizal, pero nakatanggap sila ng kautusan mula kay Senator Richard Gordon na chairman ng senate blue ribbon committee.

Sinabi umano ni Gordon na ipatutupad lamang ang warrant of arrest kapag nabigo pa rin si Faeldon na magpakita sa senado sa Lunes para sa pagpapatuloy ng pagdinig sa P6.4 billion na halaga ng shabu shipment na naipuslit sa bansa.

Sinabi ni Balajadia na natanggap nila ang arrest order na nilagdaan ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, Huwebes ng gabi matapos na magbanta si Gordon sa hearing na ipapa-contempt
Si Faeldon at ipapadakip na ito.

Nang matanggap ang utos, agad nagpadala ng team si Balajadia sa bahay ni Faeldon sa Taytay para dakipin ito.

Aminado naman si Balajadia na mali ang pagkakaintindi niya kaya agad nagpadala ng tao para ipatupad ang arrest order kay Faeldon.

 

 

 

 

 

 

Read more...