LP, sinabon ang isang miyembro matapos iendorso ang impeachment vs. Sereno

 

Sinermunan ng Liberal Party ang isang miyembro nito matapos iendorso ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa isang joint statement, sinabi nina LP President Sen. Kiko Pangilinan at Sec. Gen. Kit Belmonte na ang pagendorso ni Samar 1st district Rep. Edgar Mary Sarmiento ay isang ‘cause for concern.’

Anila, iginagalang ng partido ang posiyon ng bawat miyembro sa mga isyu ngunit iginiit na dapat ay kumonsulta muna si Sarmiento sa pamunuan ng LP bago ito nagdesisyon.

Ayon sa LP leaders, bagamat bahagi ang impeachment ng demokrasya at ng 1987 constitution, maaari rin itong makasira sa mga institusyon sakaling magamit laban sa mga hindi kakampi ng gobyerno.

Si Sarmiento ay isa sa 25 mambabatas na nagendorso sa impeachment complaint laban kay CJ Sereno na inihain ni Atty. Larry Gadon.

Sa kasalukuyan, nasa House Committee on Justice na ang impeachment complaint laban sa chief justice at inaasahan ang pagsisimula ng pagdinig ngayong araw.

Read more...