Palasyo, dumadaan na sa ‘major rethinking’ sa isyu ng drug war

 

Naghudyat ng “major rethinking” sa pamahalaan ang pagkamatay ng tatlong kabataan na sina Kian Loyd delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, umabot na sa puntong iniimbestigahan na ang Philippine National Police (PNP) at nagsasagawa na ng pagdinig ang senado.

Ibig sabihin aniya nito ay dumadaan na ang buong bayan sa proseso ng “rethinking” sa mga paraan kung paano nila ginagawa ang mga bagay-bagay.

Dahil rin aniya dito, naging bahagi na ang “rethinking” na ito sa kabuuan ng kanilang restructuring and renewing.

Naniniwala rin si Abella na maging ang PNP ay nasa “process of rethinking” na rin kaugnay sa kung paano nila ipinapatupad ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinahagi ng tagapaghsalita na lubos na nababahala rin ang Malacañang sa pagkamatay ng mga nasabing teenagers.

Bukas naman aniya ang Malacañang sa pagbuo ng isang komisyon o task force na hahabol sa mga nasa likod ng extrajudicial killinds sa bansa.

Read more...