Pagdinig sa impeachment complaint laban kay CJ Sereno itinakda na ng Kamara

Hawak na ng House Justice Committee ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay House Justice Committee Chair at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, binasa na kahapon sa plenaryo ng Kamara ang reklamo.

Sinabi ni Umali na itinakda nila ang pagdinig sa araw ng Miyerkules ganap na alas dyes ng umaga.

Sa nasabing pagdinig kailangang dumalo ang mga nagrereklamo gayundin ang mga nag endorsong kongresista.

Dito, aalamin ng komite kung mayroong sapat na form and substance ang reklamo.

Matapos ito ay saka pa lamang ayo kay Umali pasasagutin sa reklamo si CJ Sereno at magpatawag ng mga testigo.

Dalawang impeachment ang nakahain dito sa Kamara laban kay Sereno; ang isa ay inihain ni Atty, Larry Gadon at ang ikalawa ay inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC at Vanguard of the Philippine Constitution Inc.

Read more...