60% ng isla ng Barbuda, nasira ng hurricane Irma

 

Animnapung porsyento ng mga tirahan at establisimityento sa isla ng Barbuda sa Carribean ang nasira sa pagdaan ng hurricane Irma.

Halos mabura ang maraming mga istruktra sa naturang isla dahil sa malalakas na hangin at storm surge na idinulot ng Category 5 hurricane.

Nasa 900,000 residente rin ang nananatiling walang kuryente dahil sa maraming nasirang linya ng kuryente.

Wala ring komunikasyon sa maraming lugar.

Maging ang Puerto Rico ay naapektuhan ng malalakas na hangin at ulan na dulot ng hurricane Irma.

Sa kasalukuyan, nasa sampu ang bilang ng nasawi dulot ng malakas na bagyo.

Naghahanda na rin ang mainland US sa posibleng matinding epekto na idudulot ng hurricane Irma na inaasahang tatama ngayong weekend.

 

Read more...