WATCH: Mga suspek sa panggagahasa at pagpaslang sa 16 taong gulang na babae sa Pasig, kinumpirma ng saksi

Iprinesenta sa media ang apat na suspek na sinasabing nanggahasa at pumaslang sa 16 anyos na dalaga sa Pasig City noong Lunes.

Ayon kay Senior Supt. Orlando Yebra ng Pasig Police, magkakapatid ang tatlo sa mga suspek na sina Emannuel Manuel, Joamarie Angeles Manuel at Joel Manuel.

Habang kaibigan naman nila ang isa pang suspek na si John Jericho Peralta.

Positibo namang tinukoy ng isang saksi ang mga suspek at sinabing ang tatlong magkakapatid ang humatak kay Grace Umadlao habang si Jericho naman ang nagsilbing look out.

Itinanggi naman ng mga suspek ang mga paratang sa kanila.

Sa katunayan nga raw, kung hindi sila nahuli ng mga otoridad ay balak sana nilang puntahan sa bahay ang ina nito na si Gudita para linisin ang kanilang mga pangalan.

Naging emosyonal naman si Gudita at sinabing labis na pasakit ang dinaranas niya.

Inilarawan nya pa nga sa hayop ang mga suspek sa pagpatay sa kanyang anak.

Ayon kay Yebra, nasa drug watchlist ang apat na suspek na kanilang nahuli at notoryus sa Brgy. Pinagbuhatan.

Rape with homicide naman ang isasampa sa kanila.

Samantala, maliban sa apat, may dalawa pang persons of interest sa kaso.

Alas singko ng umga nitong Lunes, natagpuanng wala ng buhay sa gilid ng kalsada ang biktima na si Umadlao sa Villa Esguerra Homes Nagpayong II, Barangay Pinagbuhatan.

At base sa autopsy examination na isinagawa, lumalabas na namatay sa sakal ang biktima at may palatandaan na umano’y ginahasa bago pinatay.

Narito ang buong report ni Mark Makalalad:

Read more...