Residential building sa Binondo, Maynila nasunog

Kuha ni Krizha Soberano

Kasalukuyan pa ring tinutupok ng sunog ang isang residential building ng Binondo Terraces sa Alvarado St. cor Davides St. Binondo Maynila.

Itinaas sa 5th alarm ang sunog na nagmula sa ikawalong palapag ng gusali partikular na sa Room 805 na pagmamay-ari ni Virginia Pullon.

Nagsimula ang sunog pasado alas-onse ng umaga kanina.

Ayon kay Arson Investigator Jeffrey Datuin, hinihinalang napabayaang kalan ang pinagmulan ng malaking sunog.

Nasa 50 residente na ang nailalabas mula sa building kabilang ang matatanda at bata na sinasabing umakyat sa roofdeck para maiwasan ang apoy.

Wala pang naitalang sugatan o namatay sa sunog habang isinara na sa daloy ng trapiko ang ilang lansangan malapit sa fire scene.

Read more...