Tugon ito ng PNP sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang pagkamatay ng dalawa.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt Dionardo Carlos, welcome sa PNP ang desisyon ng pangulo na ipaubaya sa NBI ang imbestigasyon upang mapawi ang anumang duda na maimpluwensyahan ng mga pulis ang resulta ng imbestigasyon.
Si Arnaiz ay napatay ng mga pulis matapos umanong mangholdap ng isang taxi driver sa Caloocan City habang natagpuan naman ang bangkay ni de Guzman na tadtad ng saksak ang katawan.
Ang pagkamatay ng dalawang kabataan ay umani ng matinding pagkondena mula sa publiko at sa mga senador na nagsasagawa ng pagdinig kaugnay ng mga napapatay sa mga police operations.