Ang naturang petsa ay eksaktong ika-isang daang kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa proclamation 310, ginawang isang holiday ang September 11 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Ilokano na ipagdiwang ang araw ng kapanganakan ni Marcos at mga naging kontribusyon nito sa bansa bilang beterano ng World War II, mambabatas at dating presidente.
Matatandaang pinaburan ni Duterte na maihimlay ang bangkay ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani, sa kabila ng mga batikos at pagtutol.
Katwiran ni Duterte, bilang dating sundalo at pangulo ay marapat lamang na mailibing sa LNMB si Marcos.
At nitong nakalipas na mga araw, inanunsyo ni Duterte na nagpahayag na ang pamilya Marcos ng kahandaang isauli ang kanilang mga ill-gotten wealth.