Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong buwan

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company ngayong buwan ng Setyembre.

Ayon sa Meralco, P0.86 bawat kilowatt hour ang itataas sa kanilang singil.

Ito ay dahil sa nagmahal ang presyo ng suplay ng kuryente, paghina ng piso kontra dolyar at tapos na rin ang hinati-hating refund na ibinigay ng Meralco nitong nagdaang mga buwan.

Dahil sa nasabing dagdag-singil, inaasahang madaragdagan ng P172 ang bayarin ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour bawat buwan.

P258 sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour bawat buwan.

P344 sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour bawat buwan at P430 sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour bawat buwan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...