Gilas haharap sa B-squad Chinese Taipei mamaya

 

gilas2
Mula kay Musong Castillo, inquirer.net

Haharap ang Gilas Pilipinas ngayong ala-una ng hapon sa koponan ng Chinese Taipei-B squad sa pagpapatuloy ng 2015 william Jones Cup sa China.

Isasara ng Gilas ang kanilang eight game schedule laban sa B-Squad na wala pang panalo hanggang sa kasalukuyan.

Sakaling manalo, malalagay sa second place ang koponan ng Pilipinas kung saan nangunguna ang Iran na nanalo laban sa Spartak Primorye ng Russia.

Kahapon, itinumba ng Team Gilas ang koponan ng Amerika kahit wala ang dalawa nitong scorer at isng point guard .

Natapos ang laban sa score na 78-74, pabor sa mga Pinoy.

Bigong makalaro nina Terrence Romero, Jimmy Alapag, at Jason Castro dahil sa injury na tinamo sa pakikipagsabayan sa New Zealand noong nakaraang linggo.

 

 

Read more...