Iyan ang mungkahi ni Congressman Mark Villar sa paniwalang masyadong mababa ang sampung libong pisong tax exemption na ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga ipinadadalang balikbayan boxes ng mga manggagawang Pinoy mula abroad.
Sinabi ni Villar, Chairman ng House Committe on Trade and Commerce, hindi na akma sa kasalukuyang halaga ng pera ng nasabing halaga na ililibre sa buwis sa mga ipinadadala ng mga OFW dahil masyado nang mataas ang halaga ng mga bilihin.
Paliwanag ng kongresista, kakarampot na lamang ang maipadadalang gamit o pang-regalo ng mga Filipino Workers kapag sampung libong piso pa rin ang ipatutupad na tax exemption sa kanilang mga padala gamit ang balikbayan boxes.
Para sa kongresista, hindi akma na ituring na mga “bagong bayani” ang mga OFW kung limitado naman ang mga pribelihiyo na ibibigay sa kanila ng gobyerno.
Samantala, dapat na rin aniyang mag-move-on ang taumbayan sa isyu ng pagbusisi sa mga Balikbayan boxes dahil humingi na ng “sorry” o dispensa si Customs Commissioner Alberto Lina sa mungkahing bulatlatin ang mga Balikbayan boxes.