Dahil dito, babawasan ng Department of Budget and Management ang pondo ng ilang ahensya ng gobyerno.
Ito ang naging pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa isang pulong balitaan sa Pasig kahapon.
Anya, meron mang pera o wala, sisikapin ng DBM na magawan ng paraan ang Free Tuition sa mga pampublikong pamantasan.
Ani Diokno, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DBM sa House appropriations and Senate finance committee para alamin kung anong mga ahensya ang dapat bawasan ng pondo.
Aabot naman anya sa 70 billion ang kakailanganing pondo ng pamahalaan sakaling ipatupad na ang full implementation nito sa 2021.
Sakop ng Free Tuition Fee Bill ang 8 SUC sa Metro Manila, 49 sa Luzon, 26 sa Visayas habang 29 naman sa Mindanao.