Tiyuhin ng Batangas City mayor na tinambangan, namatay na

 

Nasawi na ang tiyuhin ng alkalde ng Batangas City na tinambangan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Kinilala ni Batangas police informatuion officer Senior Insp. Hazel Luma-Ang ang biktima na si Ruben Dumacuha, tiyuhin ni Batangas City Mayor Beverly Dimacuha-Mariño.

Dalawang beses binaril si Dimacuha, kung saan tinamaan siya sa dibdib at sa kaliwang braso.

Nadala pa sa ospital si Dimacuha at naisailalim pa sa gamutan, ngunit sa kasamaang palad ay binawian rin ng buhay.

Si Dimacuha ay isa ring negosyante na may-ari ng RB Dimacuha Square at Total Gas station.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pagpatay kay Dimacuha, pati na ang pagkakakilanlan sa suspek.

Read more...