Universal Health Coverage bill, aprubado na sa Kamara

 

Inquirer file photo

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ang Universal Health Coverage (UHC) Bill.

Nakakuha ang panukalang batas ng 222 favorable votes, habang 7 mula sa Makabayan Bloc ang tumutol dito.

Ang UHC Bill o House Bill 5784 ay naglalayong mabigyan ng universal health care coverage ang lahat ng Pilipino.

Ayon din sa batas, magkakaroon ng karapatan ang bawat mamamayan na magkaroon ng benepisyo mula sa National Health Security Program (NHSP) na dati ay tinatawag na National Health Insurance Program (NHIP).

Contributory members man o non-conributory indigents ay pasok sa universal health coverage.

Kailangan lamang magbayad ng public and private workers para sa kanilang premium contributions, samantalang ang gobyerno naman ang magbibigay ng subsidiya para sa non-contributors.

Magbibigay din ang panukalang batas ng karapatan sa mga pampublikong ospital na gamitin ang kanilang kabuaang kita para mapaganda ang kalidad ng kanilang mga serbisyo at pasilidad.

Read more...