Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, ipinaabot ni Zhao ang plano ng China nang makipagpulong kahapon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año para iabot ang limang milyong pisong tulong ng China para sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City.
Sinabi pa ni Arevalo na bukas naman ang Pilipinas sa mga joint training lalo’t pandaigdigang problema ang terorismo.
Gayunman, sinabi ni Arevalo na hindi pa niya alam kung kailan maaring magsimula ang joint training pero ang tiyak ay pinagpaplanuhan na ito ngayon.
Dagdag ng opisyal, bukod sa limang milyong pisong tulong sa mga sundalo sa Marawi, nangako rin ang China na magdadagdag pa ng labing limang milyong pisong tulong bago matapos ang taong kasalukuyan.
May tatlong libong rifles pa aniya at mga sniper rifles na ibibigay ang China sa Pilipinas sa katapusan ng Setyembre.