Hurricane ‘Irma’ sumagasa sa Carribean, malawakang pinsala naitala

Binayo ng todo ng ‘superstorm Irma’ ang Carribean islands habang patuloy na tinutumbok ang Florida sa mainland USA at iba pang isla sa rehiyon.

Hanggang sa kasalukuyan, bigo pa rin na makakuha ng impormasyon ang mga kinauukulan sa isla ng Barbuda, na isa sa mga unang lugar na tinamaan ng category 5 na hurricane.

Nakapagtala na rin ng malawakang pinsala ang mga otoridad sa isla ng St. Martin at St. Barts dahil sa dalang malakas na hangin ng naturang bagyo.

Maraming mga bahay at establisimiyento ang nawalan ng bubong at halos gumuho dahil sa lakas ng hangin at storm surge na kaakibat ng bagyo na umaabot sa mahigit dalawampung talampakan.

Ang hurricane ‘Irma’ na ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo na nabuo sa Atlantic Ocean.

Sa kasalukuyan, nakapagtala ito ng lakas ng hangin na umaabot sa 295 kilometers per hour.

Bukod sa Florida, naghahanda na rin ang Puerto Rico, British at US Virgin Islands sa pagtama ng bagyo.

 

 

Read more...