Sa appointment documents na inilabas ng Malacañang, makikita na naitalaga si Waldo Reyes Carpio, kapatid ni Manases Carpio na asawa ni Davao City mayor Sara Duterte bilang kahalili ni outgoing DA Asec. Federico Laciste Jr.
Si Pangulong Duterte ay principal sponsor sa kasal ni Waldo Carpio sa asawang si Regine noong Setyembre noong nakaraang taon.
Si Carpio ay pamangkin din ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Hindi pa man malinaw kung pamumunuan niya ang isang opisina o bureau sa Department of Agriculture bilang assistant secretary.
Bukod kay Waldo Carpio, labing isang bagong opisyal pa ang itinalaga sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.