P9-M halaga ng smuggled na sibuyas at carrots, nasabat ng BOC

 

Nasabat ng Bureau of Customs ang nasa siyam na milyong pisong halaga ng sibuyas at carrots sa Manila International Container Port o MICP.

Apat na 40-footer container ang nakuhanan ng pula at puting sibuyas na nagkakahalagang 7.2 million pesos at isang 40-footer container na naglalaman ng carrots na nagkakahalagang 1.8 million pesos.

Ayon sa BOC, galing China ang mga kargamento at dumating sa bansa noong July 7 at 13.

Naka-consign ang shipment sa V2Y International Marketing Company na itinanggi rin naman sa Customs Intelligence na sa kanila ang mga kargamento.

Napagalamang walang import permit mula sa Bureau of Plant and Industry ang mga sibuyas at carrots kaya’t nagissue na ang BOC ng warrant at seizure laban sa misdeclaration ng mga kargamento.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, hindi nila papakinabangan ang mga nasamsam na gulay upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka ng sibuyas sa bansa.

Read more...