Batang nambabato ng mga hindi nagbibigay ng limos sa Parañaque, ni-rescue

 

Sinagip ng mga pulis ang isang menor de edad na nanghihingi ng limos sa Parañaque at nambabato sa mga motorista kapag siya ay hindi binibigyan.

Ayon sa hepe ng Parañaque City police na si Senior Supt. Leon Victor Rosete, pinuntahan ng mga tauhan ng Tambo police precinct ang 15-anyos na menor de edad.

Isang Facebook user kasi ang nag-post sa nasabing social networking site ng kaniyang pagkabahala sa ginagawa ng binatilyo sa may kanto ng Roxas Bouelvard at NAIA Road, sa ilalim ng NAIA Expressway flyover.

Inatasan naman ni Rosete ang kaniyang mga tauhan na bantayan ang lugar upang huwag nang maulit ang mga kahalintulad na insidente.

Sa ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng mga social workers ang binatilyo.

Read more...