Ayon kay Salug Vice Mayor Jesus Lim, anim na armadong lalaki ang sapilitang nagsama kay Jed Quimbo, 30-taong gulang, anak ni Labason Mayor Eddie Quimbo.
Kwento ni Quimbo, tinutukan ng baril ng mga suspek ang biktima at isinakay sa pulang van.
Nagsasagawa na ng search and rescue operation ang pulisya, ayon kay Zamboanga del Norte police chief Senior Supt. Raul Tacaca.
Aniya, narekober nila ang sasakyan ng mga suspek sa Barangay Osukan.
MOST READ
LATEST STORIES