Sa panayam kay Mayor Emerson Pascual, isa sa mga pinakatahimik na bayan sa lalawigan ang Gapan.
Kayat aniya nais niyang magkaroon ng malalimang imbestigasyon para mabigyan ng hustisya si de Guzman.
Nangako naman si Pascual na sasagutin na niya ang lahat ng gastusin mula sa pag autopsy sa biktima hanggang sa pagpapalibing kay Kulot kahit sa Cainta, Rizal.
Sinabi naman ni Police Supt. Peter Madria ang hepe ng pulisya ng lungsod maaring habang ibinibiyahe si Kulot ay pinagsasaksak ito ng 30 ulit bago itinapon sa ilog.
Aniya 1:30 ng hapon ng Martes ng matanggap nila ang ulat ukol sa natagpuang bangkay sa ilalim ng tulay sa Barangay San Roque.
Inamin naman nito na hindi nila inakala na ang bangkay ay may kaugnayan sa pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz.
Si de Guzman ang huling nakitang kasama ni Arnaiz noong gabi ng Agosto 17 at iyon na ang huling pagkakataon na nakitang buhay ang dalawa.