ILPS na pinamumunuan ni Joma Sison, suportado ang nuclear program ng NoKor

Suportado ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS) ang pagpapaigting ng nuclear program ng North Korea.

Si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief consultant Jose Maria Sison ang nagsisilbing chairman ng organisasyon.

Sa website ng NDFP, ipinahayag ng ILPS ang suporta nito sa anila’y self-defense ng North Korea, at paghahangad ng pagkakaisa sa South Korea.

Tinawag din ng ILPS na tuta ng United States ang South Korea sa gitna ng pagpapadala ng Amerika ng tactical nuclear weapons sa rehiyon. Ito raw ang nagtulak sa Nokor na gawin ang mga hakbang nito.

Kasabay nito, nanawagan ang ILPS sa North Korea at South Korea na magkaisa sa mapayapang paraan at depensahan ang kanilang bansa laban sa bantang hatiin ito ng US imperialism.

Kamakailan ay inanusyo ng North Korea ang matagumpay na hydrogen bomb test. Pinalalakas din nito ang intercontinental ballistic missile na maaaring umabot sa Guam o Alaska.

Read more...