Ito ay kasunod pa rin sa pakamatay ng 19-anyos na binatilyo na si Carl Angelo Arnaiz na inihatid na sa kanyang huling hantungan kahapon.
Matatandaang base sa salaysay ng mga pulis, nangholdap umano si Arnaiz nang sinakyang taxi sa C-3, Caloocan.
Nakahingi raw ng tulong ang drayber at nang huhulihin na raw si Arnaiz ay agad itong nanlaban, dahilan para paputukan ito nina PO1 Jefrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.
Ayon kay Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, eksperto na sa pamemeke ng imposmasyon ang PNP at nagtatanim din daw sila ng mga ebidensya para mabigyan ng katwiran ang ginagawa nilang pagpatay.
Aniya, base sa ulat ng Public Attorney’s Office (PAO) forensic laboratory, tinorture at sadyang pinatay umano ang dating UP student na si Arnaiz.
Malalalim din daw ang mga gasgas ng biktima, magang maga ang mga mata, at may mga marka ng posas sa kamay na indikasyon umano na pinahirapan ang binatilyo.
Ito ay bukod pa sa apat na tama ng baril sa dibdib at isa sa kanang braso.
Panawagan ng grupo, dapat ay matigil na ang ang kultura ng impunity, gayundin ang kaliwat kanang patayan na may malinaw na paglabag sa karapatang pantao.
Narito ang report ni Mark Makalalad: