WATCH: QCPD, nagsagawa ng “Oplan Disipilina” halos 50 menor de edad dinala sa presinto

KUha ni Jong Manlapaz

Nagsagawa ng “Oplan Disiplina” ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa magdamag.

Ang station 7 ng QCPD, tatlong barangay ang inikot kabilang ang Barangays San Roque, San Martin , at E. Rodriguez kung saan 17 menor de edad ang na-rescue.

Ang kanilang edad ay nasa pagitan ng 11 hanggang 17 taong gulang.

Sa isinagawa namang operasyon ng Batasan police station nasa 32 namang menor de edad ang na-rescue nila.

May mga nasa wastong gulang din na dinakip na pawang nahuling nag-iinuman sa kalsada, may nakuhanan ng shabu at ang iba ay nasa lansangan na walang suot na pang-itaas.

Narito ang ulat ni Jong Manlapaz:

Read more...