LOOK: Mga larawan noong napatay sa Carl Angelo Arnaiz sa C3 Road sa Calocan

Photo from Prosecutor Darwin Cañete

Nakuha ng Radyo Inquirer ang mga larawan noong umaga ng August 18, 2017.

Sa larawan, makikita ang nakahandusay na si Carl sa gilid ng kalsada ng C3 Road, kung saan siya napatay ng Caloocan police matapos na umano ay manlaban nang sitahin siya dahil sa panghoholdap sa taxi driver.

Photo: Prosecutor Darwin Cañete

Kita din sa larawan ang taxi driver na nagreklamo na ngayon ay pinaghahanap at pinalulutang para magbigay-linaw sa kaso.

Naka-uniporme pa ang taxi driver habang kinakausap ni dating Caloocan City Prosecutor Darwin Cañete.

Kita rin sa larawan ang mga kagamitan na nakuha mula kay Carl.

Photo: Prosecutor Darwin Cañete

Noong gabi ng August 17 hanggang umaga ng Augus 18, 2017, umabot sa 14 ang naitalang nasawi sa Caloocan City sa mga operasyon ng pulisya.

Karamihan sa mga nasawi ay pawang drug suspects na namatay sa mga ikinasang anti-illegal drugs operation.

Umaga ng August 18, iniulat ng Caloocan police na isang hinihinalang holdaper ang napatay sa operasyon ng pulisya sa bahagi ng C3 road.

 

Narito ang report ni Jong Manlapaz:

 

 

 

 

Read more...