Surigao del Sur at Zambales, magkasunod na niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng San Miguel sa Surigao Del Sur.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa 11 kilometers north ng San Miguel sa Surigao Del Sur alas 3:03 ng madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 16 kilometers.

Samantala, alas 5:53 naman ng umaga ay niyanig din ng magnitude 3.0 na lindol ang Cabangan, Zambales.

May lalim naman na 2 kilometers ang lindol.

Ayon sa Phivolcs hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershock ang dalawang pagyanig.

 

 

 

 

Read more...