Florida, naghahanda na sa pagtama ng Hurricane Irma; state of emergency, idineklara

Hindi pa man nakakabangon sa pinsalang naidulot ng Hurrcane Harvey ang Texas, pinaghahandaan naman ngayon ng mga residente sa Florida ang pagdating ng bagyong Irma.

Nagdeklara na ng state of emergency si Florida Governor Rick Scott para mapaghandaan na ang pagdating ng bagyo na ayon sa forecast ay aabot sa Category 5 hurricane.

Dahil sa pinsala na idinulot ng Hurrcane Harvey, sinabi ni Gray Palmer, deputy sheriff, marami sa mga residente ang maagang naghanda sa pagtama ng bagyong Irma.

Sa mga tindahan, marami ang bumili na ng mga bottled water at mga suplay ng pagkain.

Sa Sabado ang inaasahang pagtama ng Hurricane Irma.

Sa Monroe County, nagpalabas na ng mandatory evacuation order at ang mga paaralan at government offices ay sarado na mula ngayong Miyerkules.

Ayon sa National Hurricane Center (NHC) ang bagyong Irma ang most powerful Atlantic storm na naitala sa labas ng Caribbean Sea at Gulf of Mexico.

Sa pinakahuling datos, taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 miles per hour (295 km per hour).

 

 

 

 

Read more...