Gilas Pilipinas, pasok sa wild card ng FIBA Asia Champions Cup 2017

 

Masayang ibinahagi ni Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes na makakapaglaro ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Champions Cup ngayong taon.

Lumusot kasi ang koponan sa Wild Card matapos magwithdraw ang “Japan Club SunRockers Shibuya” dahil sa problema sa iskedyul.

Dahil dito, kukumpletuhin ng Gilas ang 10-team line-up sa championship na magaganap sa Chenzhou, China mula September 22 hanggang September 30.

Kontrobersyal naman ang magiging labanan dahil hindi maglalaro para sa bansa si Andray Blatche, naturalized player ng Gilas dahil pangungunahan nito ang isa sa mga national teams ng China na “Xinjian Flying Tigers”.

Dahil dito, makakalaban ni Andray Blatche ang Pilipinas.

Magandang pagkakataon naman ito para sa Gilas Pilipinas para sa kanilang paghahanda sa Fiba World Cup Qualifying tournaments na magaganap sa Nobyembre.

 

Read more...