Ito ay para mapabulaanan ang mga tumitinding alegasyon ng extrajudicial killings sa hanay ng mga pulis na nagsasagawa ng anti-illegal drug operations.
Dahil dito, inatasan na ng pangulo ang pulisya na hayaan ang mga journalists na sumama sa kanilang mga isinasagawang raids.
Gayunman, nagbabala si Duterte sa mga mamamahayag na posible silang mabaril sa operasyon.
Inilabas ng pangulo ang kautusan sa isang pulong balitaan matapos ang naganap na pagdinig sa Senado tungkol sa mga nasabing alegasyon.
Naging emosyonal si Philippine National Police Chief Dir. Ronald dela Rosa sa pagdinig dahil sa aniya’y hindi patas na mga bintang sa kaniyang mga tauhan.