Ayon sa presidente, malaki na ang kaniyang anak at may sarili itong abogado para ipagtanggol siya sa pagdinig ng Senado tungkol sa pagkakalusot ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa BOC.
Nasa tamang edad na rin aniya ang bise alkalde para malaman kung ano ang dapat gawin at paano haharapin ang kaniyang problema.
Gayunman, pinayuhan niya si Paolo at ang manugang na si Atty. Manases Carpio na pumunta na lang sa pagdinig kung wala naman silang kasalanan.
Umiiwas na rin si Duterte na magbigay ng kaniyang “expectations” sa kung anong mapapala ng publiko kay Paolo at Carpio dahil doon magsisimula ang spekulasyon sa media, kaya dapat siyang maging maingat.
Hindi na rin aniya siya nagbibigay ng spekulasyon at advice sa kaniyang anak basta’t sinabi lang niya na “Kung wala ka talagang kasalanan, ‘bat hindi ka pumunta doon?”
Matatandaang inimbitahan na ng Senado sina Paolo at Carpio sa pagdinig tungkol sa isyu sa Customs, sa kabila ng pag-abswelto sa kanila ni customs broker Mark Taguba.