Ito ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong aminin na may emisaryong ipinadala ang pamilya Marcos na nagsabing handa ang mga itong ibalik ang naturang pera.
Paliwanag ng pangulo, hindi naman agarang ibabalik ng mga Marcos ang naturang pera nang walang kaukulang garantiya na hindi na sila hahabulin at ikukulong ng gobyerno.
Mangangailangan rin aniya ng isang bagong batas upang mailatag ang mga kinakailangang rekisitos sakaling matuloy ang planong pagsasauli ng pera ng mga Marcos.
Gayunman, nilinaw ni Duterte na hindi humiling ng ‘immunity’ ang kampo ng mga Marcos sa ngayon.
Dumistansya naman ang pangulo sa posibilidad na mabigyan ng ‘immunity from suit’ ang mga Marcos.