Noong nakaraang buwan, sinabi ng Maritime Safety Administration ng Hainan province sa China na nagbabantay sa South China Sea na magsasagawa sila ng live fire drills sa paligid ng Paracel Islands hanggang September 2.
Ayon kay Vietnam Foreign Ministry spokeswoman Le Thi Thu Hang, mariin nilang tinututulan ang ganitong aksyon ng China, kasabay ng seryosong pakikiusap sa bansa na igalang ang soberenya ng Vietnam sa Hoang Sa o Paracel archipelagos.
Aniya pa, pinoprotektahan nila ang kanilang soberenya at lehitimong karapatan at interes sa terirotyong ito sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan na pasok sa international laws.
Dahil dito, lalong umiigting ang mainit nang tensyon sa pagitan ng China at Vietnam.
Noong Hulyo, sinuspinde ng Vietnam ang oil drilling sa offshore waters na inaangkin rin ng China dahil na rin sa pressure mula sa Beijing.